Thursday, May 7, 2026

PROSESO SA PAGKUHA NG NATIONAL POLICE CLEARANCE, IPINAALALA NG PNP SA PUBLIKO

Naglabas ng paalala ang Philippine National Police (PNP) hinggil sa tamang proseso ng pagkuha ng National Police Clearance upang maging maayos at mabilis ang transaksyon ng mga aplikante.

Ayon sa advisory, kinakailangang magparehistro muna online ang mga aplikante sa pamamagitan ng official website ng National Police Clearance system bago magtungo sa napiling police station para sa kanilang appointment.

Matapos ang online registration, kailangang bayaran ng aplikante ang kaukulang bayarin bago sumailalim sa biometrics at verification process sa itinakdang himpilan ng pulisya.

Pinapayuhan din ang publiko na dalhin ang mga kinakailangang dokumento kabilang ang print out o screenshot ng appointment schedule, resibo ng bayad, at isang valid ID bilang bahagi ng verification process.

Nagpaalala rin ang PNP sa tamang kasuotan ng mga aplikante. Hindi pinapayagan ang pagsusuot ng sleeveless at shorts habang ang mga kalalakihan naman ay pinapayuhang tanggalin ang hikaw o earrings bago pumasok sa police station.

Ayon sa pulisya, mahalagang maging handa at sumunod sa itinakdang proseso upang maiwasan ang abala at mapabilis ang pagproseso ng National Police Clearance. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments