Wednesday, May 6, 2026

PGMN Founder Franco Mabanta, iniuugnay ng Palasyo sa mga Duterte at hindi kay PBBM

Walang personal na ugnayan ang media startup CEO at founder na si Franco Mabanta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasabay ng pagtutok sa umano’y relasyon nito sa mga Duterte.

Tugon ito ng Palasyo tungkol sa umano’y papel ni Mabanta sa online political campaign ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, mas mainam kung tatanungin ang kaugnayan ni Mabanta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at dating Presidential Spokesperson Harry Roque, kasunod ng mga ipinost nitong larawan.

Iginiit din ng Palasyo na ilang ulit nang naglabas ng mga artikulong kritikal laban sa administrasyon ang Peanut Gallery Media Network na itinatag ni Mabanta.

Naaresto si Mabanta matapos ang umano’y tangkang pangingikil ng P350 milyon kay dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez.

Facebook Comments