Thursday, May 7, 2026

SEMINAR UKOL SA ANTI-BASTOS LAW, INILUNSAD SA SAN CARLOS CITY

Nagsagawa ng information and awareness lecture ang San Carlos City Police Station kaugnay ng Republic Act 11313 o mas kilala bilang Anti-Bastos Law sa mga opisyal sa barangay Palosopos.


‎Isinagawa ang aktibidad noong Mayo sais para sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team o BPAT at mga Barangay Health Worker ng Barangay Palospos bilang bahagi ng kanilang training program.


‎Tinalakay rin sa seminar ang direktiba ng DILG ukol sa mahigpit na pagpapatupad ng curfew para sa mga menor de edad, limitadong paggamit ng videoke hanggang alas-diyes lamang ng gabi, pagbabawal ng paglalakad nang walang damit pang-itaas sa pampublikong lugar, at pag-inom ng alak sa gilid ng kalsada.


‎Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga kalahok tungkol sa pagpapanatili ng kaayusan at disiplina sa komunidad.


‎Patuloy namang hinihikayat ng kapulisan ang pakikiisa ng publiko upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments