Thursday, May 7, 2026

Halos P600,000 na halaga ng ilegal na sigarilyo, nasabat sa Negros Occidental; dalawa, arestado

Arestado ng mga operatiba ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP – HPG) ang dalawang indibidwal sa isinagawang anti-carnapping operation sa Hinigaran, Negros Occidental.

Ayon sa pulisya, pinahinto nila ang isang sasakyan matapos itong lumabag sa seatbelt law kung saan nabigo rin ang mga suspek na magbigay ng driver’s license, Certificate of Registration (CR), Official Receipt (OR), at iba pang kaukulang dokumento.

Nang inspekyunin ang laman ng sasakyan ay dito na nakita ng mga otoridad ang 14 master cases na naglalaman ng nasa 7,000 packs ng ilegal na sigarilyo.

Kung saan ang nasabing mga nakumpiska ay tinatayang nasa P598,990 ang halaga.

Sa ngayon ang mga suspek ay kasalukuyang nasa ilalim ng temporary detention ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Provincial Field para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments