
Cauayan City – Isang makulay at makasaysayang fluvial parade ang idinaos sa bayan ng Angadanan bilang bahagi ng Gakit Festival 2026.
Tampok sa parada ang mga balsa na hango sa Philippine Mythology na nilahukan ng iba’t ibang barangay.
Ipinakita sa naturang selebrasyon ang husay ng mga kalahok sa paglikha ng mga disenyo na sumasalamin sa alamat at mitolohiyang Pilipino, na naging sentro ng pagdiriwang.
Kinilala naman bilang kampeon ang grupong Bulalakaw mula sa Brgy. Esperanza, Brgy. Consular, Brgy. Ingud Sur at Norte, at Brgy. San Ambrocio matapos humanga ang mga hurado sa kanilang konsepto at presentasyon.
Nakuha rin ng grupong Amihan na kinabibilangan ng Brgy. Campanario, Brgy. San Vicente, Brgy. San Isidro, at Brgy. Dalenat ang 1st runner-up.
sinundan ito ng grupong Libulan bilang 2nd runner-up mula sa mga barangay na Dalakip, Cumu, San Guillermo, Fugaru.
3rd runner-up naman ang grupong Apolaki na kinabibilangan ng Brgy. Pissay, Brgy. Baui, Brgy. Kalusutan, Brgy. Macalauat, habang ang Diwata naman ang 4th runner-up na nilakuhan ng Brgy. San Roque, Brgy. Victory, Brgy. San Marcelo, Brgy. La Suerte, at Brgy. Buenavista.
Ayon sa mga organizers, ang Gakit Festival ay hindi lamang patimpalak kundi isang makabuluhang pagdiriwang na nagtatampok sa kultura, talento, at pagkakaisa ng mga mamamayan ng Angadanan.
Facebook Comments










