Thursday, May 28, 2026

Sen. Alan, sinita ang pagiging tahimik ng minorya sa ibang isyu

Kinwestyon ni Senate President Alan Peter Cayetano ang pananahimik ng minorya sa ginawang pambubugbog ng ilang tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang tauhan ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) noong May 11, ang araw na lumutang si Senator Bato dela Rosa sa Senado.

Pinuna ni Cayetano na mabilis ang ginawang pagkondena ng minority bloc sa video presentation ni Senator Imee Marcos pero tahimik sila sa pananakit na nagyari sa empleyado ng mataas na kapulungan.

Binigyang-diin ng Senate President na nangyari ang insidente ng panggugulpi sa OSAA sa loob mismo ng Senado pero wala siyang narinig sa oposisyon na nagreact na natapakan ang dignidad dito ng Senado.

Tinukoy ni Cayetano na pinigilan pa ng NBI ang ibang OSAA na tulungan ang ginulping empleyado, pinosasan at pilit pang isinakay sa kanilang sasakyan.

Sinabi pa ni Cayetano na isa lang sa mga minority members ang narinig niyang nagsalita sa nangyari at ito ay si Senator Migz Zubiri pero hindi siya umalma na walang reaksyon ang iba dahil hinihintay nila ang independent investigation.

Facebook Comments