Tuesday, May 26, 2026

PNP-FEO, nirekomenda nang i-revoke ang firearms license ni Sen. Dela Rosa

Inirekomenda na ng FEO License Revocation and Restoration Board ng Philippine National Police (PNP) ang pag-revoke ng mga lisensya ng baril ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa .

Ayon sa Servicing Legal Officer ng FEO na si PLtCol. Domer Tadeo, ang naging batayan para kanselahin at kumpiskahin ang mga baril na pagmamay-ari ng Senador ay sa ilalim ng Section 4G ng RA10591.

Tiniyak naman ni Tadeo na ang desisyong ito ay hindi magtatagal ng isang linggo na nakatakdang pirmahan ng 7 miyembro ng nasabing board.

Ayon pa kay Tadeo bago pa magbigay ng sulat ang National Bureau of Investigation (NBI) ay nakaraang linggo pa sila nagsagawa ng “motu proprio”.

Tumanggi naman ang nasabing opisyal na kumpirmahin kung ilan talaga ang mga baril na pagmamay-ari ng Senador .

Sakaling hindi ma-surrender ng dating PNP Chief ang mga baril nito ay maaari yang masampahan ng kasong may kaugnayan sa loose firearms.

Facebook Comments