Tuesday, May 26, 2026

PHIVOLCS, nilinaw na walang naging epekto ang meteror na dumaan sa dalisdis ng Bulkang Mayon

Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang naging epekto sa kalupaan ang maliwanag na bulalakaw ang nakitang dumaan sa mga dalisdis ng Bulkang Mayon nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, hindi ito tumama sa lupa at sa halip ay nagkawatak-watak sa atmospera.

Bandang alas- 10:33 ng gabi nang makita sa pamamagitan ng isa sa mga camera nito, ang pagdaan ng bulalakaw sa hilagang mga dalisdis ng bulkan.

Patuloy ang namomonitor na lava effusion at collapse-fed pyroclastic density currents sa footage ng camera nitong Lunes ng gabi at Martes ng umaga sa kahabaan ng Bonga, Basud at Mi-isi gullies.

Ang Mayon ay nananatiling nasa ilalim ng Alert Level 3, na nagpapahiwatig ng medyo mataas na antas na aktibidad ng bulkan.

Facebook Comments