
Sinabi ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director PMGen. Robert Morico II na tinitingnan nila na “related “ o magkaugnay ang nangyaring shooting incident sa Senado at ang pagtakas ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.
Ayon kay Morico, ang kanilang imbestigasyon na ito ay naipasa na nila sa Department of Justice (DOJ) kung saan ayaw naman nitong pangunahan ang magiging findings ng nasabing ahensya.
“Outside of his paycheck” naman ang sinagot ni Morico nang tanungin ito kung may pananagutan din ba si Senate President Allan Peter Cayetano dahil sa nauna nang pagbibigay nito ng protective custody kay Senator Dela Rosa.
Aniya, pinapasa na nya ang sagot sa nasabing tanong sa DOJ base sa magiging evaluation nito.
Pagtitiyak naman ni Morico na patuloy silang magbibigay ng mga karagdang ebidensya sa DOJ kaugnay ng nasabing insidente.










