Thursday, June 4, 2026

β€Žπ—•π—”π—šπ—’π—‘π—š π—Ÿπ—œπ—–π—˜π—‘π—¦π—˜π—— π—˜π—‘π—šπ—œπ—‘π—˜π—˜π—₯ π— π—¨π—Ÿπ—” π—”π—‘π—šπ—”π——π—”π—‘π—”π—‘, π—‘π—”π—šπ—•π—œπ—šπ—”π—¬-π—œπ—‘π—¦π—£π—œπ—₯𝗔𝗦𝗬𝗒𝗑 𝗦𝗔 π—žπ—”π—•π—”π—§π—”π—”π—‘

β€ŽCauayan City – Isang bagong yugto ng tagumpay ang nabuksan para kay Engr. Jeune Andrei Orial Garcia ng Angadanan, Isabela matapos niyang maipasa ang Mechanical Engineers Licensure Examination (MELE) nitong Pebrero 2026.
β€Ž
β€ŽSiya ay nagtapos bilang Magna Cum Laude ng kursong Bachelor of Science in Mechanical Engineering sa Saint Louis University, kung saan hinubog ang kanyang kakayahan at kaalaman sa naturang larangan.
β€Ž
β€ŽKabilang siya sa 101 na pumasa mula sa 147 examinees ng kanilang paaralan, na nakapagtala ng 68.71% passing rate.
β€Ž
β€ŽSa mensahe ng kanyang mga magulang, ipinahayag nila ang taos-pusong pasasalamat at pagmamalaki, kasabay ng paalalang manatiling mapagkumbaba at gamitin ang kanyang propesyon sa paglilingkod sa kapwa.
β€Ž
β€ŽAng tagumpay na ito ay hindi lamang personal na panalo kundi karangalan din para sa kanyang paaralan at sa buong Isabela.
β€Ž
β€ŽSource: RCVN

————————————–

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments