Ayon sa ilang nakasaksi, nagbubungkal umano ang mga tubero nang lumabas ang tubig at likidong animo’y putik.
Dahil sa pag-uusisa, sinubukan umanong sindihan gamit ang lighter ang naturang likido dahilan upang agad itong magliyab.
Sinubukan pa umano itong apulahin ngunit hindi agad namatay ang apoy kaya tinakpan na lamang ng basang tela at muling tinabunan ng lupa nang humupa ang pagliyab.
Napagdesisyunan na lamang na ilipat ang pwesto ng ikakabit sanang gripo.
Ayon naman kay Brgy Captain Virgilio Pinlac, agad nilang ipapaalam sa pamahalaang lokal ang insidente upang magpatulong na maipasuri sa eksperto kung ano nga ba ang aksidenteng natagpuan ng ilang residente sa lugar.
Para sa kaligtasan, hindi muna gagalawin ang naturang hukay hanggang hindi naipapasuri upang malinawan sa posibleng panganib o benepisyo ng natuklasang likido sa mga residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








