
Narekober ng mga operatiba ng Philipine National Police (PNP) ang mga hinihinalang smuggled na sigarilyo sa isinagawang operasyon sa Brgy. Liangan, Picong, Lanao del Sur,kaninang madaling araw.
Sa ulat ng pulisya, nakuha ang mga nasabing kontrabado na inabandona sa isang bakanteng lote sa gitna ng mga kabahayan.
Kung saan wala silang naabutan na mga tao sa lugar.
Nasa 310 master cases ng ibat-ibang sigarilyo ang nakuha sa lugar na tinatayang nagkakahalaga ng higit 13 milyong piso.
Napagalaman na ang mga nasabing sigarilyo ay walang Department of Health (DOH) warnings at opisyal na tax stamps mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Sinubukan naman ng mga awtoridad na makipagugnayan sa lokal na Barangay ngunit tumanggi namang magbigay ng pahayag kaugnay ng nagmamay-ari ng nasabing mga nasamsam na items.
Dinala na ang mga nasabing narekober na sigarilyo sa National Bureau of Investigation (NBI) office ng Cotabato City para sa tamang dokumentasyon, imbentaryo at legal na disposisyon.










