Monday, June 1, 2026

Pangulo ng vietnam, pormal na tinanggap ni PBBM sa Malacañang

Panauhing pandangal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang si Vietnamese President at Communist Party General Secretary Tô Lâm bilang bahagi ng kanyang dalawang araw na State Visit sa Pilipinas.

Sa welcome ceremony, pinatugtog ang pambansang awit ng Pilipinas at Vietnam at isinagawa ang 21-gun salute bilang pagpupugay sa panauhing pangulo.

Ipinakilala rin ang mga miyembro ng delegasyon ng Pilipinas at Vietnam bago inimbitahan ni Pangulong Marcos si Tô Lâm kasunod ng paglagda ng Vietnamese leader sa official guestbook ng Malacañang.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang bilateral meeting ng dalawang lider tungkol sa pagpapalawak ng kooperasyon sa iba’t ibang larangan.

Ito ang unang pagbisita ng lider ng Communist Party ng Vietnam na bumisita sa bansa kasabay mg ika-50 taon ng diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Vietnam.

Facebook Comments