Thursday, June 4, 2026

𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗑 π—–π—œπ—§π—¬, π—œπ—£π—œπ—‘π—”π—šπ——π—œπ—ͺπ—”π—‘π—š π—”π—‘π—š π—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘π—”π—Ÿ 𝗔π—₯𝗧𝗦 𝗠𝗒𝗑𝗧𝗛; π—Ÿπ—’π—žπ—”π—Ÿ 𝗑𝗔 π—¦π—œπ—‘π—œπ—‘π—š 𝗔𝗧 π—žπ—¨π—Ÿπ—§π—¨π—₯𝗔, π—œπ—§π—œπ—‘π—”π— π—£π—’π—ž

Cauayan City – Ipinagdiwang ng Lokal na Pamahalaan ng Cauayan City ang National Arts Month sa pamamagitan ng pagpapakita ng talento at likhang-sining ng mga CauayeΓ±o.

Tampok ang tradisyunal na sayaw mula sa mga mag-aaral ng Isabela State University–Cauayan Campus, habang nagbigay naman ng instrumental performance ang Rondalla ng West Tabacal Region National High School.

Ipinahayag ni City Administrator Ms. Czarah Jane S. Dy ang kanyang pagmamalaki sa β€œLikas na Galing” ng mga CauayeΓ±o.

Binigyang-diin din niya ang patuloy na suporta ng pamahalaang lungsod sa pagsusulong ng lokal na sining at produkto, lalo na ang Tatak-Cauayan weaves at mga tradisyunal na kasuotan na sumisimbolo sa mayamang kultura ng lungsod.

Nagpatuloy ang pagdiriwang sa isang ribbon-cutting ceremony sa SM City Cauayan para sa pagbubukas ng isang exhibit na nagtatampok ng mga lokal na produkto at mga de-kalidad na hinabing tela mula sa mga Gaddang weavers at ng Cauayan City Green Ladies Organization, na kapwa dinisenyo ng mga lokal na artista.

Sa pamamagitan ng mga aktibidad na ito, muling pinagtibay ng Cauayan City ang pagpapahalaga nito sa sining, kultura at talento ng mga mamamayan.

————————————–

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments