Isinagawa ang enrollment para sa Alternative Learning System (ALS) sa Dagupan City Jail–Female Dormitory, katuwang ang Department of Education Dagupan City Office.
Kabuuang 16 PDLs ang sumailalim sa enrollment, evaluation, at assessment process upang matukoy ang kanilang angkop na antas sa programa.
Layunin ng programa na mabigyan ng pagkakataon ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa elementarya at junior high school levels bilang bahagi ng rehabilitasyon.
Ang inisyatibong ito ay patunay ng patuloy na pagsusumikap ng mga institusyon na isulong ang edukasyon bilang mahalagang bahagi ng rehabilitasyon at pagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa mga PDLs para sa mas maayos na kinabukasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








