Isinagawa ang aktibidad noong Hunyo 1 sa Sto. Tomas at Hunyo 2 naman sa Bayambang, kung saan dumalo ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya at responder groups.
Tinalakay sa kampanya ang operasyon ng dam, monitoring ng lagay ng panahon, at mga protocol na sinusunod sa pagbibigay ng mga abiso sa publiko.
Binigyang-diin din ang kahalagahan ng kahandaan ng komunidad at tamang pagtugon sa mga advisories.
Pinangunahan ng PDRRMO Pangasinan ang aktibidad katuwang ang National Power Corporation (NPC), San Roque Power Corporation (SRPC), DOST-PAGASA, at DILG Pangasinan.
Ayon sa mga organizer, layunin ng programa na matiyak na may sapat na kaalaman ang mga frontline responders para maayos na maibigay sa publiko ang mga advisories sa operasyon ng San Roque Dam. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








