Thursday, April 23, 2026

𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗣𝗔𝗞𝗔𝗠𝗔𝗧*𝗬 𝗦𝗔 𝗚𝗔𝗡𝗔𝗡𝗢 𝗕𝗥𝗜𝗗𝗚𝗘, 𝗡𝗔𝗜𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦

Cauayan City — Nailigtas ng mga kapulisan ang isang lalaking tinangkang magpakamatay SA Gananno Bridge sa Brgy. San Antonio, Alicia Isabela noong ika-20 ng Abril.

Ayon sa ulat, nakakaranas umano ng matinding emosyon ang hindi na pinangalanang indibidwal dahil sa kanyang problema dahilan upang tangkain nitong kitilin ang kanyang sariling buhay.

Gayunpaman, dahil sa mabilis na pagresponde ng kapulisan sa insidente katuwang na rin ang iba pang concerned citizen, napigilan ng mga ito ang lalaki.

Matapos ang insidente, agad itong isinailalim sa kaukulang pangangalaga at patuloy na mino-monitor upang masiguro ang kanyang kaligtasan at maayos na kalagayan.

Ipinapakita ng pangyayaring ito ang patuloy na dedikasyon ng kapulisan hindi lamang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, kundi pati na rin sa pagligtas ng buhay at pagpapakita ng tunay na malasakit sa komunidad.

Facebook Comments