Thursday, April 23, 2026

𝗗𝗜𝗥𝗘𝗞𝗧𝗜𝗕𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗟𝗚, 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗜𝗜𝗥𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗧𝗔𝗚𝗔𝗥𝗔𝗡

CAUAYAN CITY-Mas pinaigting ng Brgy. Tagaran ang pagpapatupad ng mga ordinansa kaugnay sa disiplina at kaayusan sa kanilang lugar, alinsunod sa direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Raul Dalauidao, nagsasagawa ng regular na pagpapatrolya ang kanilang pamunuan upang matiyak na nasusunod ang mga umiiral na alituntunin.

Dagdag pa niya, dahil sa mahigpit din nilang pagpapatupad ng curfew hours sa nasabing barangay upang maiwasan ang mga insidente na sangkot ang mga kabataan sa kanilang lugar ay may nasisista na rin sila ngunit sa halip na parusa ay pinagsasabihan muna nila ang mga ito bilang warning.

Hinikayat naman ng opisyal ang mga residente na makiisa at sumunod sa mga ipinatutupad na batas upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Brgy. Tagaran.

Facebook Comments