Thursday, June 4, 2026

π—Ÿπ—œπ—•π—¨-π—Ÿπ—œπ—•π—’π—‘π—š π—šπ—”π— π—’π—§ 𝗔𝗧 π— π—˜π——π—œπ—–π—”π—Ÿ π—¦π—¨π—£π—£π—Ÿπ—œπ—˜π—¦ π—‘π—š 𝗑𝗣𝗔, π—‘π—”π—›π—¨π—žπ—”π—¬ 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗑 𝗠𝗔π—₯π—œπ—”π—‘π—’

Cauayan City – Nabisto at nakumpiska ng mga sundalo ng 95th Infantry Battalion ng Philippine Army ang umano’y malaking imbakan ng medical supplies na ginagamit ng New People’s Army (NPA) sa isang liblib na lugar sa Barangay Ibujan, San Mariano, Isabela.

Ayon sa militar, isang sibilyan ang nagbigay ng mahalagang impormasyon na nagturo sa kinaroroonan ng mga kagamitan. Sa isinagawang operasyon, nakarekober ng tropa ang humigit-kumulang 2,530 piraso ng iba’t ibang gamot at 407 medical supplies na pinaniniwalaang ginagamit ng mga rebeldeng grupo. Ang lahat ng nakuhang kagamitan ay isinailalim na sa tamang dokumentasyon.

Samantala, matatandaan namang sa karatig bayan nitong Benito-Soliven, naunang nakasamsam ang mga sundalo ng mga armas at pampasabog.

Umaasa ang Philippine Army na patuloy ang pagtulong ng mamamayan sa pakikiisa sa pagsugpo sa mga rebeldeng grupo. Nagpapasalamat din sila sa lumalakas na suporta ng mamamayan sa kampanya ng pamahalaan laban sa mga maka-kaliwang pangkat.

Facebook Comments