Monday, June 1, 2026

PBBM, pinakikilos ang buong gobyerno para sa balik-eskwela

Pinakikilos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Inter-Agency Oplan Balik Eskwela upang matiyak ang maayos, ligtas at handang pagbubukas ng klase sa June 8.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, mahigit 16 na ahensiya ng pamahalaan ang makikipagtulungan sa Department of Education (DEPED) para suportahan ang pagbabalik-eskwela.

Inatasan ng pangulo ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Health (DOH) na tiyakin ang kaayusan, seguridad at kalusugan sa mga paaralan at komunidad.

Tiniyak naman ng Department of Energy (DOE) at Department of Trade and Industry (DTI) ang matatag na suplay ng kuryente at proteksiyon sa mga mamimili.

Babantayan ng Department of Transportation (DOTR) ang kaligtasan ng mga pasahero, habang paiigtingin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Telecommunications Commission (NTC) ang mga serbisyo sa komunikasyon at internet.

Nakaalerto rin ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa anumang kalamidad o emergency, habang pangungunahan ng Presidential Communications Office (PCO) ang pagpapalaganap ng tama at napapanahong impormasyon.

Inatasan din ang Manila Electric Company (MEC) at Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na tiyaking tuloy-tuloy ang suplay ng kuryente at tubig sa mga paaralan, habang ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mangangasiwa sa pagpapanatili ng mga pasilidad.

Magbibigay naman ng tulong at proteksiyon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga mag-aaral na nangangailangan ng suporta.

Facebook Comments