
CAUAYAN CITY- Pinaalalahanan ng Cauayan City Component Police Station ang mga may-ari at namamahala ng mga restobar sa lungsod na paigtingin ang seguridad sa kanilang mga establisimyento matapos ang pagkamatay ng isang lalaking customer na umanoβy binugbog sa labas ng isang restobar.
Kaugnay nito, pinatawan ng Temporary Preventive Closure ang naturang restobar dahil sa umanoβy paglabag sa Ordinance No. 2025 na kung saan lumampas sa itinakdang oras ng operasyon ang naturang restobar.
Sa naging panayam ng IFM News Team kay, Police Lieutenant Colonel Avelino Canceran Jr., sinabi nitong malinaw ang naging paglabag ng nasabing restobar sa isang ordinansa na ipinatutupad sa lungsod ng Cauayan.
Dagdag pa ni Canceran, mahalagang mahigpit na maipatupad ng mga restobar ang kanilang mga polisiya at seguridad upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.
Nanawagan naman ang opisyal sa mga may-ari ng bar at restobar sa Cauayan City na maging responsable sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng kanilang mga customer.










