Tuesday, June 23, 2026

𝗡𝗨𝗥𝗦𝗘 𝗡𝗔 𝗧𝗨𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗚𝗨𝗘𝗚𝗔𝗥𝗔𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗞𝗢𝗧 𝗦𝗔 $𝟵𝟬𝟲-𝗠 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛𝗖𝗔𝗥𝗘 𝗙𝗥𝗔𝗨𝗗 𝗦𝗔 𝗨𝗦

Cauayan City – Nahaharap ngayon sa multiple federal charges ang isang Filipina nurse practitioner na tubong Tuguegarao City matapos umanong masangkot sa isang malawakang healthcare fraud scheme sa US.

Ito ay nagdulot umano ng halos US$1-B o katumbas ng 51.6 Billion Pesos na pagkalugi sa mga programang Medicare at TRICARE.

Ang suspek ay kinilalang sa pangalang Marizel, residente ng Las Vegas, na sinasabing nanguna sa umano’y pagsasagawa ng unnecessary wound treatments ng mga matatanda at pasyenteng nasa hospice care.

Ayon sa mga piskal, nagsumite siya at ang kanyang mga kasabwat ng mahigit US$906-M na halaga ng false claims mula October 2023 hanggang Abril 2026.

Lumabas sa imbestigasyon na pinapatakbo umano ni Marizel ang apat na wound-care clinics sa Texas, Nevada, California, at Hawaii. Inakusahan din siyang nagbibigay ng ilegal na komisyon kapalit ng mga referral ng pasyente, falsification of medical records, at naniningil para sa mga serbisyong hindi naman kinakailangan.

Ayon pa sa mga piskal, ginamit umano ni Marizel ang bahagi ng kinita sa umano’y pandaraya upang pondohan ang marangyang pamumuhay, kabilang ang pagbili ng mamahaling sasakyan, alahas, bahay sa Hawaii, at pagpapatayo ng isang beach resort sa Santa Ana, Cagayan.

Kasalukuyan nang hinihiling ng mga awtoridad ang pagsamsam sa kanyang mga ari-arian at iba pang asset na pinaniniwalaang konektado sa kaso.

Naglabas na rin ng warrant of arrest ang U.S. District Court sa Houston laban kay Marizel, na nananatiling inosente hangga’t hindi pa siya napatutunayang nagkasala sa hukuman.

Facebook Comments