Friday, June 19, 2026

Reklamong isinampa laban kay Defense Sec. Teodoro kaugnay ng kaniyang dual citizenship, isang hindi beripkadong alegasyon — DND

Tinawag na hindi beripikadong alegasyon ng Department of National Defense (DND) ang reklamong isinampa laban kay Defense Secretary Gilbert Teodoro.

Nabatid na nagsampa ng reklamo ang isang abogado at mga concern citizens kaugnay ng umano’y pagkakaroon ng Maltese passport ng kalihim na mag-e-expire ngayong taon.

Na ayon sa kanila ay hindi isang political attack kundi panawagan para sa patas na authentic records ni Teodoro.

Ayon sa Assistant Secretary ng DND na si Atty. Erik Dy, ang reklamong may kaugnayan sa perjury ay nangangailangan ng matibay na ebidensya at hindi mula sa spekulasyon lamang.

Aniya, hangga’t walang beripikadong ebidensyang pinapakita ang nasabing nagrereklamo mananatili itong hindi napapatunayang akusasyon.

Matatandaan na naglabas na rin dati ng pahayag ukol dito ang DND kung saan sinabi nito na sinurender na ni Teodoro ang nasabing passport matapos itong magsumite ng certificate of candidacy noong 2021 para sa 2022 Senatorial elections.

Facebook Comments