Saturday, May 2, 2026

𝟵𝟬 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗙𝗪𝘀 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗨𝗔𝗘, 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦

Cauayan City – Ligtas na nakauwi sa Pilipinas ang 90 na overseas Filipino workers (OFWs) mula sa United Arab Emirates (UAE) sakay ng Emirates Airlines EK 334 nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 kahapon ng Linggo, ika-8 ng Marso 2026.
Pinangunahan nina Department of Migrant Workers (DMW), Secretary Hans Leo J. Cacdac at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Patricia Yvonne Caunan ang mga dumating na OFW, kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), MIA Medical Team, at ang New NAIA Infratructure Corp. (NNIC).
Kabilang sa mga nakauwi ang 33 OFW, na sinamantala ang alok na repatriation ng pamahalaan, habang ang iba ay mga istranded na OFW sa Dubai.
Binigyang-diin ni Secretary Cacdac ang pagbibigay ng gobyerno ng lahat ng uri ng “pre-repatriation assistance” sa lahat ng umuwing OFW, at financial assistance na bahagi ng “post-repatriation assistance” sa kanila.
Mula noong Marso 5, 2026, umabot na sa 399 OFWs at 12 dependents ang nakauwi sa bansa mula nang sumiklab muli ang krisis sa Gitnang Silangan noong Pebrero 28, 2026.
Facebook Comments