Wednesday, April 29, 2026

Grupong Manibela, naghahanda na para sa isasagawang tigil-pasada at kilos-protesta sa Labor Day

Todo na ang paghahanda ng transport group na Manibela sa isasagawa nilang tigil-pasada at kilos-protesta kasabay ng Labor Day sa Mayo 1.

Sa panayam ng DZXL News kay MANIBELA Chairman Mar Valbuena, makikiisa sila sa kilos-protesta na ikakasa ng iba’t ibang grupo na pangungunahan ng Kilusang Mayo Uno o KMU.

Aniya, hindi sila naglunsad ng protesta sa aniya’y kakarampot na oil price rollback sa diesel na halos P13 kada litro noong Martes kaya’t asahan ang malawakang protesta sa Biyernes.

Panawagan pa rin ng grupo na huwag utay-utayin ang rollback sa petrolyo dahil malaki-laki pa ang dapat ibawas sa diesel para maging P55 ang kada litro nito.

Kasabay ng isasagawang tigil-pasada at kilos-protesta, may buwelta naman ito sa mga nagsasabing perwisyo lamang ang mga ito sa mga commuter.

Facebook Comments