
Umalma ang abogado ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa naging deklarasyon ng House Committee on Justice na may probable cause ang dalawang impeachment complaints laban sa Pangalawang Pangulo.
Ayon kay Atty. Paul Lawrence Lim, hindi sapat ang mga akusasyong Inciting to Sedition at Grave Threats na inihain laban kay VP Sara.
Pinuna rin niya ang umano’y pagpili at pagdudugtong-dugtong ng mga ebidensyang ipinrisinta ng komite, na ayon sa kanya ay hindi maituturing na matibay na batayan para sa pagdeklara ng probable cause.
Giit pa ni Atty. Lim, ang pag-uugnay sa mga pahayag ni VP Sara laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay tila paglabag sa basic evidentiary principles.
Dagdag pa niya, batay sa naging takbo ng pagdinig sa Kamara, lumalabas umano na ang pangunahing motibo ng proseso ay isang “fishing expedition.”










