Friday, May 1, 2026

Mga isinagawang aktibidad ng iba’t ibang grupo kasabay ng Labor Day kaninang umaga, naging mapayapa ayon sa PNP

Walang naitalang untoward incident sa isinagawang kilos-protesta ng iba’t ibang labor group kaninang umaga.

Ayon kay National Capital Region Police Office o NCRPO Chief Police Major General Anthony Aberin, wala rin silang natanggap na ano mang banta sa seguridad sa mga aktibidad ng iba’t ibang grupo ngayong araw.

Pinayuhan naman ni Aberin ang mga nagsasagawa ng kilos-protesta na manatiling kalmado, huwag manggulo at huwag manira ng mga ari-arian.

Pinayuhan din niya ang mga pulis na pairalin ang maximum tolerance hanggang matapos ang aktibidad ng mga grupo ng manggagawa ngayong araw.

Facebook Comments