₱19-M na halaga ng puslit na asukal, nasabat ng DA sa MICP

Aabot sa 150 thousand na kilong asukal ang nasamsam ng Deparment of Agriculture (DA) sa Manila International Container Port (MICP).

Ito’y kasunod ng isinagawang operasyon noong January 11, 2023 ng DA.

Ayon kay Assistant Secretary James Layug, noong November 29, 2022, hiniling ng Office of the Assistant Secretary for Department of Agriculture Inspectorate and Enforcement ang pag-hold at pag-inspection sa limang container van ng Burias Jang Consumer Goods Trading.


Idineklara kasi ng consignee na mga sari-saring items ang laman ng mga container van na galing Hong Kong, pero nang inspeksyunin ay naglalaman ito ng sako-sakong asukal.

Tinatayang aabot sa ₱19-M ang halaga ng puslit na asukal.

Sasampahan na nina Layug ng paglabag sa Food Safety Act of 2013 (Republic Act No. 10611) at Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 (Republic Act No. 10845) ang mga consignee ng mga smuggled na asukal.

Facebook Comments