Wednesday, August 26, 2026

AFP, itinigil na ang imbestigasyon kay Col. Lachica sa pagkakasangkot nito confidential funds ni VPSD

COURTESY: AFP Security and Protection Group/Facebook

Nananatiling ‘attached’, pero ‘unassigned’ ang status ni dating Vice Presidential Security Commander Colonel Raymund Lachica sa gitna ito ng kaniyang kasong kinahaharap kaugnay sa umano’y maling paggamit ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, tinapos na ng militar ang sarili nitong ‘inquiry’ sa pagkakasangkot ng naturang sundalo sa nasabing alegasyon .

Aniya, pinauubaya na nila sa Office of the Ombudsman ito at para hindi na madoble pa ang isasagawang imbestigasyon.

Ni-relieve si Lachica noong Oktubre 4, 2025 at dahil nananatiling accounted ng AFP ito, tiniyak ni Padilla na handa nilang itong iharap sa Senate Impeachment Court oras na ipatawag ito.

Nabatid na ilang beses nabanggit ni Special Disbursing officer Gina Acosta ang pangalan ni Lachica na siya umanong pinag-abutan ng confidential funds.

Facebook Comments