Monday, August 24, 2026

Account na ginamit sa school treat sa Taguig, tukoy na; dalawang estudyanteng nasa likod nito, nasa kustodiya na ng mga awtoridad

Tukoy at nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang dalawang estudyanteng sangkot sa school threat sa Taguig City.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya, natukoy ang unang estudyante na sinabing ginamit ng pangalawang estudyante ang kaniyang social media account para gumawa at mag-post ng nasabing banta.

Sinuri rin ng mga awtoridad ang kumakalat na video na nagpapakita ng baril ngunit batay sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP), ang naturang video ay hindi kuha ng dalawang estudyante at na-download lamang mula sa Facebook.

Bunsod nito, mas hinigpitan ang security measures sa lahat ng paaralan sa Taguig gaya ng enhanced security screening sa mga gamit at bawat taong papasok sa paaralan at pagde-deploy ng karagdagang security personnels.

Sa inilabas na pahayag ng Department of Education (DepEd) Division ng Taguig City at Pateros, patuloy ang dikit na koordinasyon nito sa Taguig LGU, PNP, Public Order and Safety Office at BEST Security.

Hinihikayat ng Taguig LGU na patuloy na bantayan ng mga magulang ang online at offline activities ng kanilang mga anak at i-report agad sa kinauukulan ng anumang kahina-hinalang aktibidad.

Facebook Comments