
Hindi apektado ang kampo ni dating House Speaker Ferdinand “Martin” Romualdez sa pahayag ng Ombudsman na mayroon na itong 28 mga testigo na mag-uugnay dito sa flood control scandal.
Punto ng abogado at tagapagsalita ni Romualdez na si Atty. Ade Fajardo, ilang buwan nang gumugulong ang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman pero wala pa ring mailabas na ebidensya na magsasangkot dito sa anumalya.
Ayon kay Fajardo, kung tutuusin ay makapangyarihan ang Ombudsman dahil lahat ay pwede nitong ipatawag at ipa-subpoena pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong nakukuhang forensic o documentary evidence laban kay Romualdez.
Sabi ni Fajardo, ang tangi lang pinanghahawakan ng Ombudsman ay oral evidence o mga kwentong hindi naman makagkakatiwalaan lalo’t ilan sa mga ito ay bumabawi na sa kanilang mga naunang salaysay tulad ng ilang miyembro ng maleta boys at si Orly Guteza.










