
Suportado ng Malacañang ang hinihinging ₱29.9 bilyong budget ng Bureau of Customs (BOC) para sa 2027, sa gitna ng malaking bawas sa pondong inilaan dito sa bersyon ng Kamara.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, kailangan ng Customs ang sapat na pondo upang maipagpatuloy ang trabaho nito.
Kung ₱5.9 bilyon lamang ang inilaan sa BOC sa House version ng 2027 national budget, maaari pa itong mabago sa bersyon ng Senado.
Daraan pa sa bicameral conference committee ang panukalang budget ng dalawang kapulungan bago pagtibayin ang pinal na halaga.
Umaasa ang Palasyo na masusing susuriin ng mga mambabatas ang pangangailangan ng Customs at ang pondong dapat ilaan dito.
Facebook Comments










