
Naniniwala si Senator Ping Lacson na maituturing na worst budgets sa kasaysayan ang 2024 at 2025 General Appropriations Act na naipasa ng Kongreso.
Ayon kay Lacson, babagsak sa kasaysayan na worst budgets ang 2024 at 2025 budget matapos na ideklara ring unconstitutional ng Korte Suprema ang Disbursement Acceleration Program (DAP) sa ilalim ng 2013 national budget.
Sinabi ni Lacson na sa pagkakaalam niya ang posibleng consequences sa ruling ay hindi na magagamit ang mga pondong natitira at ang mga pondong hindi nagamit ay hindi mapapawalang-bisa.
Ipinunto ni Lacson na napapanahon din ang ruling ng Korte Suprema dahil nangyari ito sa panahon na tinatalakay ng Senado ang 2027 General Appropriations Bill.
Matatandaang si dating Senator Koko Pimentel ang pangunahing kumuwestyun noon at nagsabing unconstitutional at maaring kwestyunin sa Korte Suprema ang lumobong unprogrammed funds sa 2024 national budget
Nauna nang sinabi ni Lacson na mas marami pang “iyakan” sa hanay ng mga miyembro ng Kamara ang maaaring mangyari habang sinusuri ng Senado ang mga red flag sa bersyon ng mababang kapulungan sa panukalang badyet.










