
Hindi dapat pangunahan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang magiging desisyon ng Pangulo sa pagpili ng ipapalit kay Vice President Sara Duterte sakaling tuluyang mapaalis na ito sa pwesto.
Ito ang iginiit ni Lacson matapos na hiakayatin ni Cayetano ang mga kapwa senator-judges na tulad kay presiding officer Chiz Escudero ay ideklara na rin na hindi nila tatanggapin ang Vice President post sakaling ma-impeach si VP Duterte.
Ayon kay Lacson, wala sa lugar si Cayetano para pangunahan ang magiging desisyon ng Pangulo sa pagpili ng susunod na Vice President.
Aniya, ang itatalaga sa nasabing pwesto ay prerogative ng Pangulo at bahala ang Presidente rito na pumili.
Tinukoy ni Lacson na isa sa matunog na napipisil sa pagka-Vice President ay si Senator Lito Lapid at mistulang ipinagkakait sa senador ang oportunidad kung ipipilit na lahat ng mga senador ay magdeklara na hindi tatanggapin ang Vice President na posisyon.










