Tuesday, October 27, 2026

Pagsasampa ng kasong libel at cyberlibel laban sa ilang mamamahayag, kinondena ng House Prosecution

Mariing kinondena ng House prosecution panel ang pagsasampa ng libel at cyberlibel charges laban ilang mamamahayag ng kampo ng pamilya Duterte.

Giit ni House Prosecutor at Bicol Saro Rep. Terry Ridon, ito ay malinaw na pag-atake sa press freedom at sa mga miyembro ng media na gumanap lang sa kanilang tungkulin.

Diin ni Ridon, ang ganitong hakbang ay hindi papayagan ng House Prosecution at hindi papayagan ng Kongreso lalo may ilan na silang kasamahang mambabatas na nagpahayag ng pagkabahala hinggil dito.

Pagtiyak ni Ridon, tutulong ang House Prosecution Team sa nabanggit na mga mamamahayag lalo na sa legal na aspeto ng hamon na kanilang kinakaharap.

Facebook Comments