
Tiniyak ng Malacañang na hindi titigil ang pamahalaan sa pagtugis sa mga responsable sa pagkawala ng mga sabungero, kasabay ng panawagan sa kanilang pamilya na huwag mawalan ng pag-asa.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, mananatiling nakatuon ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paghuli sa mga pugante at pagpapapanagot sa mga sangkot sa kaso.
Hinamon din ni Castro si Ang na humarap sa mga awtoridad at patunayan ang kanyang kawalan ng kasalanan kung wala talaga siyang kinalaman sa kaso.
Siniguro naman ng Malacañang na magpapatuloy ang pagsisikap na mahuli ang mga pugante at mapanagot ang mga responsable sa pagkawala ng mga sabungero.
Facebook Comments










