
Pinayuhan ng Office of the Solicitor General (OSG) ang ehekutibo at Department of Budget and Management (DBM) na huwag munang gamitin ang unprogrammed funds sa 2026 budget upang hindi malabag ang kautusan ng Korte Suprema.
Ayon kay Solicitor General Darlene Marie Berberabe, kailangang linawin muna ang desisyon ng korte tungkol sa mga kondisyon sa paggamit ng naturang pondo.
Umaasa ang OSG na agad na pagpapasyahan ng Korte Suprema ang kanilang motion for reconsideration upang hindi maantala ang pagpapatupad ng 2026 budget.
Hindi pa matukoy ng OSG kung anong mga programa ang posibleng maapektuhan sakaling hindi pabor sa gobyerno ang desisyon.
Kasalukuyan nang pinag-aaralan ng OSG at DBM ang mga alternatibong hakbang upang maipagpatuloy ang mga serbisyong hindi saklaw ng kautusan.










