Tuesday, October 27, 2026

2 sa 3 biktima na nadaganan ng isang 10-wheeler dump truck sa Quezon City kaninang madaling araw, pumanaw na

Kinumpirma ng Quezon City Police District (QCPD) na pumanaw na ang lalaki at 11 buwang gulang na sanggol na nadaganan ng isang dump truck, kaninang madaling araw, sa Congressional Avenue, malapit sa kanto ng Luzon Avenue sa Quezon City.

Samantala, patuloy naman na nilalapatan ng lunas ang live-in partner ng lalaki sa East Avenue Medical Center.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng dump truck, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Maaari namang magsampa ng kaukulang kaso ang naiwang biktima laban sa driver, gaya ng Reckless Imprudence Resulting in Homicide, Physical Injuries, and Damage to Property, depende sa magiging resulta ng imbestigasyon at sa pagsusuri ng mga awtoridad alinsunod sa batas.

Facebook Comments