₱496K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA MULA SA ISANG HIGH-VALUE INDIVIDUAL SA LINGAYEN

Arestado ang isang 46 anyos na umano’y High-Value Individual o HVI matapos salakayin ng mga pulis ang isang target ng search warrant sa Barangay Poblacion, Lingayen, Pangasinan.

Isinagawa ang operasyon ng Lingayen Municipal Police Station bilang lead unit, katuwang ang SWAT Pangasinan Police Provincial Office.

Batay sa ulat ng pulisya, anim na knot-tied at heat-sealed na transparent plastic sachet na naglalaman umano ng 73.032 gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska, na may Standard Drug Price na ₱496,617.60.

Narekober din ang isang sachet na naglalaman ng tinatayang isang gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.

Kabilang din sa mga nakumpiskang an iba pang non-drug evidence.

Ang search warrant ay inisyu ng Regional Trial Court Branch 51 sa Tayug noong Setyembre 23 para sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Dinala sa Lingayen Municipal Police Station ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon, bago ang pagsasampa ng mga kaukulang kaso sa korte. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments