DALAWANG KLIYENTE NG PAG-ABOT PROGRAM NG DSWD FO1, NAIUWING LIGTAS SA PANGASINAN AT LA UNION

Matagumpay na naiuwi sa kani-kanilang tahanan ang dalawang kliyente ng DSWD Field Office 1 o DSWD FO 1 Pag-Abot Program mula sa San Carlos City, Pangasinan at Burgos, La Union noong Lunes, Setyembre 21, 2026.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng DSWD FO 1 at mga lokal na pamahalaan, naisagawa ang ligtas at maayos na pag-uwi ng dalawang kliyente mula sa Pag-Abot Processing Center sa Pasay City patungo sa kani-kanilang komunidad.

Layunin ng Pag-Abot Program ng DSWD na matulungan ang mga indibidwal at pamilyang nasa lansangan na makabalik sa kanilang mga pamilya at komunidad, gayundin na mabigyan sila ng angkop na serbisyo at suporta.

Samantala, naunang isinagawang ang benchmarking activity ng DSWD FO 1 Pag-Abot Program sa Pag-Abot National Program Management Office o NPMO Processing Center sa Pasay City noong Setyembre 9 hanggang 11, 2026.

Layunin ng aktibidad na palalimin ang kaalaman ng mga kalahok sa mga proseso at sistema sa loob ng Processing Center, partikular sa pagtanggap, assessment at pag-uugnay sa mga kliyente sa iba’t ibang serbisyo at interbensiyon ng programa.

Nasaksihan at naranasan din ng mga kalahok ang aktuwal na implementasyon ng Reach Out Activity sa Roxas Boulevard, Pasay City.

Ayon sa DSWD FO 1, nakatulong ang aktibidad upang higit pang mapahusay ang implementasyon ng Pag-Abot Program sa Region 1. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments