Lumampas na sa itinakdang 600-bed implementing capacity ang bilang ng mga pasyenteng naka-admit sa Region 1 Medical Center (R1MC), matapos maitala ang 101.67 porsiyentong occupancy rate noong Nobyembre 21, 2026.
Batay sa datos ng ospital, ipinapakita ng naturang occupancy rate na higit na sa itinakdang kapasidad ng pasilidad ang kasalukuyang dami ng mga pasyenteng nangangailangan ng serbisyong medikal.
Sa kabila nito, patuloy na pinaninindigan ng pamunuan at mga kawani ng R1MC ang kanilang tungkuling maghatid ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan, gayundin ang pagtiyak na natatanggap ng bawat pasyente ang kinakailangang atensiyong medikal, pangangalaga, at suporta habang nagpapagaling.
Samantala, patuloy ang ospital na makapaghatid ng serbisyong pangkalusugan at pagtugon sa pangangailangan ng publiko, lalo na sa harap ng tumataas na bilang ng mga pasyenteng nangangailangan ng agarang atensiyong medikal. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








