Wednesday, April 22, 2026

Mga negosyo ni VP Sara at mister, lumago mula 2007 hanggang 2024

Sa pagbusisi ng House Committee on Justice sa Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ay lumitaw ang paglago ng negosyo at korporasyon ni Vice President Sara Duterte at mister na si Atty. Manases Carpio mula 2007 hanggang 2024.

Sa pagtatanong ni Surigao Del Norte Representative Bernadette Barbers ay sinabi ni Ombudsman Central Records Section OIC Karen Batu na tatlo lang na kompanya ang idineklara ni VP Sara sa kanyang SALN noong 2007.

Nanatiling aktibo ang nabanggit na mga negosyo at pagsapit ng 2010 ay nadagdagan pa ito at umabot sa lima.

Umakyat sa walo ang negosyo ni VP Sara at kanyang mister noong 2021 at 2022, kabilang ang ilang law firm, food businesses, at fisheries.

Noong 2023 ay 11 na ang idineklarang negosyo ni VP Sara na sumasaklaw sa iba’t ibang industriya tulad ng pagkain, real estate, at security services at naging 10 ito noong 2024.

Facebook Comments