
Umaabot na sa 8.13 ektarya ng nasusunog na Navotas Sanitary Landfill ang natabunan na ng lupa.
Bukod dito, batay sa isinagawang thermal imaging ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office, malaki na rin ang ibinaba ng bilang ng mga hotspot o mga bahagi ng landfill na mainit na maating pagmulan pa rin ng apoy.
Sa inilabas na pahayag ni Mayor, tuloy-tuloy ang pagdating ng mas de-kalidad na panambak na lupa upang mas maging epektibo ang operasyon.
Aniya, dumating na rin ang karagdagang 1,200 metric tons ng limestone powder mula Limay, Bataan, na gagamitin sa susunod na yugto ng soil covering at fire suppression.
Walang tigil rin ang pagdadala ng karagdagang heavy equipment at tauhan upang lalo pang mapabilis ang soil covering operation hanang patuloy rin ang misting operation para mawala ang usok.
Matatandaan na nasa 28.6 ng higit 41 ektarya ng nasabing landfill ang nasunog kung saan nagsimula noong April 10, 2026.










