Monday, April 20, 2026

Mayorya, sumailalim sa crash course bilang paghahanda sa impeachment trial

Pinulong na ni Senate President Tito Sotto III ang mga myembro ng mayorya patungkol sa magiging proseso ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Sotto, pinaghahanda lamang niya ang mga kapwa senador sa posibilidad ng pag-akyat ng articles of impeachment mula sa Kamara.

Mainam aniyang mapaghandaan nila ito bilang sila ang mga tatayong senator judges ng impeachment trial.

Dagdag pa ni Sotto, sumasailalim sila sa crash program patungkol sa Rules of Court upang mapagkasundo o matiyak na tumatalima ang kanilang rules sa senate impeachment court.

Naunang sinabi nina Senate President pro-tempore Ping Lacson, Senator Sherwin Gatchalian at Senator JV Ejercito na dumalo sila sa pulong para sa crash course o briefing sa mga legal matters para matiyak ang maayos na paglilitis sakaling iakyat na sa Senado ang impeachment case laban sa bise presidente.

Facebook Comments