Thursday, April 23, 2026

Ilang mga reporma sa PNPA sisimulan na, kasunod ng mga naitalang insidente ng hazing sa Akademya

Sisimulan na ang ilang mga reporma sa Philippine National Police Academy (PNPA) kasunod ito ng mga naitalang insidente ng hazing sa loob ng nasabing akademya.

Ayon sa bagong itinalaga na Acting Director ng PNPA na si BGen. Redrico Maranan, ang una nilang ginawa ay ang segregation o paghihiwalay sa mga kadete bawat class.

Sumunod dito ang paglalagay ng mga karagdagang CCTVs sa loob at paligid ng mga barracks, loob ng classrooms at sa lahat ng mga lugar na nagkakaroon ng aktibidad ang mga kadete.

Dagdag pa nya, pagagamitin din ng body worn cameras ang mga tactical officers para malaman ang kanilang mga ginagawa na minomonitor sa gagawing cadet monitoring facilities sa PNPA.

Ayon sa PNPA, layon ng nasabing mga hakbang na ito na masugpo ang kultura ng hazing sa loob ng akademya.

Facebook Comments