
Nabiktima ang isang 35 anyos na vendor ng umano’y panloloko gamit ang isang e-wallet app matapos maloko ng isang lalaki sa isinagawang cash-in transaction.
Sa imbestigasyon, lumitaw na dumating ang suspek na isang 36 anyos na lalaki sa tindahan ng biktima at nakiusap na magpa-cash in sa isang e-wallet account number na nagkakahalaga ng ₱20,000.
Matapos maipadala ng biktima ang naturang halaga, agad niyang siningil ang suspek. Gayunman, nabigo itong magbayad at hindi naibigay ang kaukulang pera, na nagdulot ng hinalang panloloko.
Dahil dito, iniulat ang insidente sa pulisya at agad na dinala ang suspek sa himpilan ng Umingan MPS para sa kaukulang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










