
Hindi nababahala si Vice President Sara Duterte sa pag-usad ng kaniyang impeachment proceedings sa House Justice Committee .
Ito ay bagama’t nakatakda nang isalang sa plenaryo sa Kamara ang naturang reklamo.
Sa kabila nito, kinuwestiyon ni VP Sara ang pahayag ng ilang kongresista na tiyak na daw na mai-impeach ang pangalawang pangulo.
Tumanggi naman si VP Sara na magkomento sa pahayag ni Representative Terry Ridon na tiyak na silang makakakuha ng 106 votes para mai-endorso sa Senado ang articles of impeachment.
Facebook Comments










