
Nasakote ng mga awtoridad ang isang high-value wanted person na kabilang sa Top 2 Regional Level at Top 1 City Level Most Wanted Person para sa kasong murder sa isinagawang operasyon sa Alaminos City noong May 4, 2026.
Pinangunahan ang operasyon ng mga tauhan ng Alaminos City Police Station (CPS) katuwang ang iba’t ibang yunit ng pulisya.
Ang naarestong suspek ay isang 40 anyos na lalaki, binata, drayber, at residente ng bayan ng Bani, Pangasinan. Siya ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa tatlong bilang ng kasong murder, na walang inirekomendang piyansa.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Alaminos City CPS ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Ayon sa Pangasinan Police Provincial Office, patunay ang pagkakaarestong ito ng pinaigting na kampanya ng kapulisan laban sa mga wanted person, lalo na ang mga high-profile na kriminal.
Muling tiniyak ng Pangasinan PPO ang kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan sa pamamagitan ng mas pinaigting na operasyon laban sa kriminalidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










