
Inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na halos tatlong taon na silang walang ugnayan ng kanyang kapatid na si Senadora Imee Marcos.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, tugon ito ng pangulo kasunod ng pahayag ng senadora na “non-existent” na ang relasyon nilang magkapatid.
Kinumpirma rin mismo ni Pangulong Marcos na hindi na dumadalo si Sen. Imee sa mga pagtitipon ng pamilya sa nakalipas na mga taon.
May pahiwatig din ng pagkadismaya ang pangulo sa mga naging pahayag ng kanyang kapatid, pero iginiit ng Palasyo na walang sama ng loob ang pangulo.
Samantala, hindi na nagbigay ng dagdag na detalye ang Malacañang tungkol sa dahilan ng kanilang hindi pagkakausap.
Facebook Comments










