Tuesday, September 29, 2026

π—”π—Ÿπ—œπ—§π—”π—‘ 𝗦𝗔 π—œπ—‘π—¨π— π—”π—‘, 𝗑𝗔𝗨π—ͺπ—œ 𝗦𝗔 π—¦π—¨π—‘π—§π—¨π—žπ—”π—‘ 𝗦𝗔 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ π——π—œπ—¦π—§π—₯π—œπ—–π—§ 𝟭,𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗑 π—–π—œπ—§π—¬

CAUAYAN CITY- Nagtamo ng minor injuries ang isang 26-anyos na lalaki matapos mauwi sa pisikalan ang isang pagtatalo habang nag-iinuman sa Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela, nitong ika-dalawampu’t walo ng Setyembre.
Batay sa ulat, nakatanggap ng tawag ang Duty Tactical Operations Center ng Cauayan City Component Police Station hinggil sa insidente.
Kinilala ang sangkot sa insidente na sina alyas β€œBobet”, isang delivery boy, at residente ng Brgy. District 1, Cauayan City at alyas β€œTonyo”,nasa hustong gulang at residente rin ng nabanggit na lugar.
Ayon sa paunang imbestigasyon, nagkakaroon umano ng inuman ang dalawa nang magkaroon ng sila ng pagtatalo at nauwi ito sa suntukan na sinubukan namang awatin ng kanilang kapitbahay.
Matapos ang insidente, tumakas umano si alyas β€œTonyo” patungo sa hindi pa matukoy na direksiyon.
Samantala, nagtamo ng minor injuries si alyas β€œBobet” at dinala sa pagamutan para sa kaukulang pagsusuring medikal.
Facebook Comments